Dahilan ng mataas na presyo ng ilang agricultural product, natukoy na

Tukoy na ng lokal na sektor ng agrikultura ang dahilan ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Isiniwalat ng Grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) dito sa Rehiyong Uno ang mga dahilan ng paglobo ng halaga ng mga bilihin.

Sinabi ni Rosendo So, ng SINAG na nakipagkutsaba ang mga hoarder sa mga importer at smuggler para palabasing may kakulangan sa supply ng ilang agricultural product.

Ayon pa kay So, ang mga importer at negosyante ang nagdidikta ng presyo ng karamihan sa mga produktong agrikultura.

Kung kaya’t kahit pa ano ang kondisyon ng suplay ng mga ito buhat sa lokal na mga magsasaka ay kaya pa rin aniya nila itong paglaruan.

Speak Your Mind

*