DepEd Dagupan, pinaalalahanan ang mga guro sa kanselasyon ng klase kapag may storm signal

Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro dito sa lungsod ng Dagupan sa mga dapat nitong gawin kung may storm signal na sa kanilang lugar.

Ayon kay DepEd Dagupan School Division Superintendent Dr. Gloria Torres, dapat awtomatikong alam na ng mga guro ang nangyayari sa kanyang paligid, kung signal Number 1 na wala ng pasok ang mga nasa pre-school/kindergarten habang wala naman pasok ang mga pre-school/kindergarten, elementary hanggang high school kung signal No. 2.

Kapag signal No. 3 na sa isang lugar lalo na kung mataas na ang tubig baha ay wala nang pasok ang mga estudyante sa lahat ng antas.

Kasabay nito, pinaalalahanan din ni Torres ang mga magulang na alamin din kung may signal na ang bagyo upang sila mismo ay hindi na papasukin ang kanilang mga anak sa paaralan.

Speak Your Mind

*