Disaster Preparedness Seminar sa bayan ng Bayambang, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang isinasagawang tatlong araw na Disaster Preparedness Seminar sa bayan ng Bayambang Pangasinan.

Pinangunahan ni Provincial Risk Reduction and Management Council o PDRRMC Spokesperson Avenix Arenas, kasama ng Philippine National Red Cross ang pagsasanay upang ituro sa may 77 barangays ang mga dapat gawin kung mayroong kalamidad sa kanilang lugar.

Bukod dito, itinuro din ang iba’t-ibang paghahanda kabilang na ang pagliligtas ng buhay sa panahon ng kalamidad, at pagharap sa posibleng pagtaas ng tubig gamit ang kanilang mga rubber boat.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Bayambang, ang mga hakbang na ito upang matiyak na makakapagbigay sila ng serbisyo sa kanilang mga kababayan sa oras ng kanilang pangangailangan.

Speak Your Mind

*