Erich Gonzales, hindi pa engaged sa kanyang non-showbiz boyfriend

Nilinaw ni Erich Gonzales na hindi pa sila engaged ng kanyang non-showbiz boyfriend na una ang nai-post ang larawan sa social media.

Proud naman ang aktress na marami ang nagsasabing guwapo at artistahin ang kanyang boyfriend na may hawig daw sa Korean actor superstar na si Lee Min Ho ng seryeng The Heirs.

Iginiit din ng bida sa pelikulang Once A Princess movie na boyfriend-girfriend pa lang ang estado ng kanilang relasyon although malapit-Iapit na rin silang maging engaged.

Klinaro din ni Erich na hindi engagement ring ang nakikitang suot-suot niya sa ngayon kundi “promise ring”.

Ang gumagandang career ni Erich ang dahilan kung bakit ayaw muna niyang lumagay sa tahimik.

Speak Your Mind

*