Esmeralda Small Water Inpounding Project sa Balungao, bibisitahin ni Sec. Alcala

Nakatakdang bisitahin si Department of Agriculture Secretary Proseso Alcala ang mga proyekto ng bayan ng Balungao, Pangasinan na nagsusulong sa organic farming at pag-aalaga ng kambing bilang pangkabuhayan ng mga Balungawenyos.

Ayon kay Mayor Philipp Peralta, sasadyain ng DA Secretary ang Esmeralda Small Water Inpounding Project Na isinagawa sa Balungao, mga demo farms at ang nursery sa mga bamboo.

Ani peralta, ang naturang bamboo nursery ay lugar ng paghahanda sa mga gagawing protection sa mga swip na matatagpuan sa Banila River.

Dagdag pa ng Alkalde na maaaring maipagmalaki ang Banila River at mga swip sa naturang lugar dahil maraming nakikinabang dito na pamilyang nangingisda kahit pa sa loob ng isang taon.

Samantala, kung maisasapinal ang schedule, nakatakda ang pagbisita ni DA Sec. Alcala sa darating na Hulyo 9, araw ng miyerkules sa susunod na linggo.

Speak Your Mind

*