Evil Genius na patutsada ni Dating Senador Joker Arroyo kay PNOY, ayaw patulan ng Malakanyang

Hindi na papatulan pa ng malacañang ang patutsada ni dating Senador Joker Arroyo na “Evil Genius” si Pangulong Aquino dahil sa pagpapalabas ng Disbursement Acceleration Program.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na ayaw na nilang bigyang pansin ang mga batikos ni Arroyo.

Ginawang batayan ng komento ni Arroyo ang pagggamit ng Pangulo sa Administrastive Code na hindi nga ginamit ng kanyang yumaong inang si dating Pangulong Cory Aquino.

Hindi rin pinatulan ni Lacierda ang hamon ni Arroyo kay Pangulong Aquino na banggitin sa kanyang nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ang DAP.

Mas mabuting hintayin na lamang aniya ang mensahe ng Pangulong Aquino at siya lang ang nakakaalam ng iuulat nito sa bayan.

Speak Your Mind

*