Family Disaster Preparedness Seminar sa mga bahaing barangay sa Dagupan, patuloy na isinasagawa ng CDRRMC

Patuloy na isinasagawa ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) ang Family Disaster Preparedness sa mga barangay sa Dagupan bilang paghahanda sa panahon ng kalamidad.

Layunin umano ito na ipabatid sa bawat pamilya sa Dagupan ang kahalagahan ng disaster preparedness plan kabilang na ang pagkakaroon ng emergency kit sa panahon ng paglikas dahil sa baha.

Ayon kay Bernard Cabison, dating Brgy. Captain at Technical Consultant ng CDRRMC, importante na mabigyan ng impormasyon at mahikayat ang kada pamilya na kusang lumikas kung inaabot na ng tubig baha ang kanilang lugar upang hindi na mahirapan pa sa rescue operation.

Nabatid na ang Barangay Malued ay isa sa sampung barangay sa bahaing lugar sa Dagupan at karamihan sa mga residente rito ay matigas ang ulo at ayaw lumikas kapag may baha.

Speak Your Mind

*