French Power Forward Boris Diaw, pumirma ng three-year contract sa Antonio Spurs

Mananatili pa rin sa puder ng San Antonio Spurs ang French Power Forward na si Boris Diaw.

Ito ay matapos purmima ni Diaw ng isang three-year contract sa San Antonio na nagkakahalaga ng mahigit dalawampu’t dalawang milyong dolyar.

Base sa rekord ng NBA, nag-average ng 9.1 points at 4.1 rebounds si Diaw sa loob ng pitumpu’t siyam na laban sa kanyang ikalawang full season sa San Antonio.

Samantala, bahagya naman itong nag-improve nang mag-average siya ng 9.2 points, 4.8 rebounds at 3.4 assists per game sa loob ng dalawampu’t tatlong playoff games si Diaw na nakatulong ng malaki para masungkit ng San Antonio Spurs ang kampeyonato sa NBA Finals kontra Miami Heat.

Speak Your Mind

*