Gobyerno, nananatiling positibo na makakabawi rin ang ekonomiya ng bansa

Nananatiling positibo ang pananaw ng mga namumuhunan sa bansa sa kabila ng posibleng pagbulusok ng ekonomiya ng Pilipinas!

Ito ang tiniyak ng Investment Analyst na si Astro Del Castillo base na rin sa pinakahuling pagtaya ng HSBC kung saan sinabi nitong bababa ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas sa 5.6 percent sa ikalawang bahagi ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Del Castillo, sa kabila ng posibileng paghina ng ekonomiya ng Pilipinas ay patuloy pa rin ang pag-invest ng mga negosyante sa bansa.

Kaya naman naniniwala pa rin si Del Castillo na kaya pa ring maabot ng bansa ang target nito sa ikalawang bahagi ng taon na lima hanggang anim na porsyentong GDP Growth.

Speak Your Mind

*