Ilang kumpanya ng langis, nagbaba ng presyo ng kanilang diesel at kerosene

Nagbaba ng presyo ng kanilang diesel at kerosene ang mga kumpanya ng langis.

Epektibo kaninang hatinggabi ng magtapyas ang Shell, Seaoil, Phoenix Petroleum at Petron ng 95-sentimos sa kada litro ng kerosene at 85-sentimos naman sa diesel.

Maliban sa kerosene at diesel ay wala namang paggalaw sa halaga ng gasolina.

Ito ang kauna-unahang ipinatupad na rollback ng mga kompanya ng langis matapos ang magkasunod na price hike ng mga kompaniya ng langis.

Ayon sa mga kompaniya ng langis, ang pinakahuling rollback ay bunsod na rin ng presyuhan ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.

Speak Your Mind

*