Ilang mga guro sa San Carlos City, nasa adjustment period pa umano sa bagong curriculum ng K+12 program ng DepEd

Nasa adjustment period pa umano ng mga guro sa Doña Eva M. Macapagal Central West School sa lungsod ng San Carlos, Pangasinan sa bagong curriculum ng K+12 program ng Department of Education (DepEd).

Sinabi ni School Principal    Ellen De Guzman, na medyo nahihirapan pa ang mga guro sa pagtuturo sa ikatlong baitang dahil hindi pa dumating ang mga teaching materials para magsilbing gabay sa kanilang pagtuturo.

Importante umano ang mga teaching materials sa pagtuturo ng mga guro dahil nakasulat ito sa mother tongue o sariling diyalekto ng mga estudyante.

Inaasahan naman ni De Guzman na darating na sa buwan ng Hulyo ang mga kumpletong learning materials para sa lahat ng mag-aaral at upang masanay na ang mga guro sa pagtuturo ng bagong curriculum ng DepEd.

Inihayag naman ng School Principal na dumaan na sa mga training ang lahat ng guro sa ikatlong baitang bilang paghahanda sa bagong curriculum ng K+12 program.

Speak Your Mind

*