Inihaing Impeachment Complaint laban kay Pnoy, tiwalang uusad

Tiwala si dating Ilo-ilo Representative Augusto Syjuco na uusad sa kamara ang inihain niyang Impeachment Complaint laban kay Pangulong Noynoy Aquino!

Ito ay sa kabila ng pahayag ng mga lider ng kamara haharangin nila ang anumang impeachment complaint laban kay Pnoy.

Sinabi ni Syjuco na sa ngayon ay mayroon nang dalawampung indibidwal na pumirma sa inihain niyang reklamo laban sa pangulo.

Ani Syjuco, sa ngayon ay wala pang nakapipirmang mambabatas sa inihain niyang impeachment complaint dahil naka-recess pa ang kongreso.

Umaasa naman si Syjuco na kabilang sa mga pipirma sa reklamo ay sina Buhay Partylist Representative Lito Atienza at Minority Leader Ferdinand Romualdez.

Speak Your Mind

*