Janet Lim-Napoles, ayaw nang dumalo sa paglilitis ng Sandiganbayan kaugnay sa kasong plunder at graft

Ayaw nang dumalo pa ni Janet Lim-Napoles, ang itinuturong utak sa Pork Barrel Fund Scam sa paglilitis ng Sandiganbayan sa kaniyang mga kasong plunder at graft.

Ito’y matapos na magsumite ang kampo ni Napoles ng Waiver of Appearance para sa tatlong dibisyon ng Sandiganbayan.

Ayon kay Atty. Stephen David, abogado ni Napoles, sa pamamagitan nito ay hindi na kailangan pang dumalo si Napoles sa paglilitis ng korte maliban na lamang sa mahahalagang pagkakataon.

Sa kaniyang Waiver of Appearance, ikinatwiran ni Napoles na masyadong malaki ang ginagastos ng PNP sa bawat paglabas nito sa Fort Sto. Domingo para lamang dumalo sa pagdinig ng Sandiganbayan.

Ayon sa PNP, umaabot ng 120,000-piso ang kanilang gastos sa bawat paglabas ni Napoles para dumalo sa korte.

Speak Your Mind

*