Japan, naghahanda na sa posibleng epekto ng hagupit ng bagyong Florita

Pinaghahandaan na ng Japan ang nakaumang na hagupit ng bagyong Florita na may International Name na Neoguri at nasa Pilipinas pa.

Ang nasabing bagyo ay inilagay na ng National Weather Agency ng Japan sa kategoryang super typhoon.

Taglay ng bagyong neoguri ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 270 kilometro kada oras habang papalapit ito sa Japan.

Inaasahang unang dadaan ang bagyo sa isla ng Okinawa, Japan na magdudulot ng walang tigil na pag-ulan at malakas na hangin.

Ibinabala rin ng Joint Typhoon Center ang posibleng anim na metrong pagtaas ng tubig dagat matapos manawagan sa mga mamamayan ng Japan na manatili sa kanilang mga bahay at maging alerto sakaling kailanganing lumikas.

Speak Your Mind

*