Kita ng mga magsasaka sa Pangasinan, tiyak na lalaki sa Agri-Trading Pinoy Center sa Urdaneta City

Tiyak na magiging maganda ang kita ng mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan sa pagbubukas ng Agri-Pinoy Trading Center sa lungsod ng Urdaneta.

Sinabi ni Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala, na siyang nanguna sa pormal na pagbubukas nito kahapon, sa bagong Agri-Trading Center ay mabibigyan na ng pagkakataon ang mga magsasaka na direktang maibenta ang kanilang produkto sa merkado.

Idinagdag pa ni Alcala na sa pamamagitan ng trading center, mas may pagkakataon ang mga magsasaka na isulong ang lokal na produkto at maiiwasan na ang importasyon ng gulay mula sa ibang lugar.

Ang lungsod ng Urdaneta ay kilalang bagsakan ng mga produktong gulay sa lalawigan ng Pangasinan kaya sa bagong Agri-Pinoy Trading Center ay tiyak na magpapabago ito sa kita ng mga magsasaka.

Speak Your Mind

*