Kongresistang kaalyado ng Administrasyon, tiniyak na hindi nila haharangin ang impeachment complaint sa Kamara

Tiniyak ng mga Kongresistang kaalyado ng Administrasyon na hindi nila haharangin ang pagdinig ng impeachment complaint laban kay Pangulong Noynoy Aquino sa Kamara!

Ito, anila, ay sa kabila ng pag-amin ng ilan sa kanila na tumanggap din sila ng pondo mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) na sentro ngayon ng dalawang impeachment complaints laban kay Pnoy!

Isa si Iloilo Rep. Jerry Trenas sa mga nagkumpirmang nakatanggap nga siya ng pondong aabot sa sampung milyong piso mula sa DAP ng Administrasyong Aquino.

Pero ganunpaman ay hindi aniya siya mag-iinhibit sa impeachment proceedings.

Sinabi rin ni Trenas na ang dapat na mag-inhibit sa pagdinig ay ang mga endorser ng impeachment complaint na nakatanggap rin naman ng pondo mula sa DAP.

Speak Your Mind

*