Labin walong milyong piso, naibigay sa mga empleyado para sa kanilang Labor Disputes sa tanggapan ng DOLE Region 1

Umaabot sa labing walong milyong piso ang naibigay sa mga empleyado na nagpila ng kanilang Labor Disputes sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1.

Sa tala ng DOLE, mula sa tatlong daan at labimpitong labor claims, dalawang daan apat na put dalawa ay nabigyan ng settlement sa ilalim ng conciliation process ng DOLE Regional Office.

Mahigit dalawang daang empleyado na tumanggap ng settlement ay mula sa Pangasinan, 66 sa Ilocos Norte at 46 naman sa Ilocos Sur.

Ayon kay Arly Valdez, ang DOLE Information Officer ng Region 1, ang conciliation ay bahagi ng nagpapatuloy na hakbang ng DOLE para mapalakas ang mekanismo ng labor law compliance, dispute prevention, settlement at case disposition, kung saan malaking tulong ito para sa mga manggagawang inabuso ang kanilang karapatan.

Speak Your Mind

*