Larry Fonacier, hindi na makakapaglaro sa Gilas Pilipinas

Hindi na makakapaglaro sa Gilas Pilipinas ang 6-foot-2 shooting Guard na si Larry Fonacier dahil sa iniinda nitong foot at back injury.

Kahapon ay opisyal nang nagpaalam Fonacier kay Head Coach Chot Reyes bilang miyembro ng Gilas Pilipinas na nakatakdang sumabak sa mas mabibigat na FIBA World Cup sa Spain at sa Asian Games sa Incheon, Korea.

Ayon kay Reyes na lubhang nakaapekto kay Fonacier ang walang humpay na pagsasanay at paglalaro para sa Gilas Pilipinas at sa Talk ‘n Text.

Si Fonacier ay isa sa tinaguriang ‘The baby face assasin’ isa mga nakatulong sa pagsungkit ng nationals sa tiket patungo sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Sa pagkawala ni Fonacier ay maaaring pumili si Reyes kina training pool members Paul Lee, Beau Belga, Jay Washintgon at Jared Dillinger bilang kapalit nito sa Gilas Pilipinas.

Speak Your Mind

*