LTO, mahigpit naring minomonitor ang mga sasakyang walang side mirror

Istrikto nang ipinapatupad ng Land Transportation Office o LTO ang pagbabantay sa mga motorista na walang nakakabit na side mirror sa kanilang motorsiklo.

Ayon kay LTO Officer Glorioso Martinez, ng Urdaneta City, importante ang pagkakaroon ng side miror ng mga motorsiklo dahil maiiwasan nito ang malimit na aksidente.

Bukod sa side mirror ng motrosiklo, binabantayan rin ng LTO ang paggamit ng mga pudpod na gulong ng sasakyan dahil magiging mitsa rin ito ng aksidente sa lansangan.

Sinabi ni Martinez na ngayong maulang panahon at maraming tubig sa kalsada, hindi maiiwasan na mag slide ang mga pudpud na gulong sa madulas na daan dahil walang spikes na pipigil dito.

Ipinaalala naman ng opisyal na mahigpit nilang ipinatutupad ang Joint Administrative Order o JAO ng LTO at Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB at ang mas mataas na multa sa mga lalabag sa batas trapiko.

Speak Your Mind

*