Mahigpit na monitoring sa palengke, ipinapatupad ng Dagupan City Government dahil sa naitatalang kaso ng dynamite fishing

Ipinag-utos na ng pamahalaang panglungsod ng Dagupan ang mas mahigpit na monitoring sa Magsaysay Market dahil sa mga naitatalang kaso ng dynamite fishing.

Ito’y matapos ang pinaka-huling naitala na anim na toneladang isdang galunggong ang nasabat ng mga otoridad dahil huli ang mga ito sa iligal na pangingisda gamit ang dinamita.

Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, posibleng may protector ang mga fish dealer na nagbabagsak ng mga isda na huli sa dynamite fishing kaya’t madali lang silang nakakapasok sa lungsod.

Nakakabahala na umano na tila hindi natatakot ang mga fish dealer sa pagpasok ng mga isdang huli sa dinamita sa Dagupan at para hindi alam ang masamang epekto nito.

Matatandaan na tatlong beses na nakasabat ang mga otoridad ng mga isdang huli sa dinamita sa loob lamang ng dalawang buwan, at ang mga ito ay pawang mula sa lalawigan ng Ilocos Sur, ganunpaman, wala pa namang ipapatupad na ban sa pagpasok ng mga isda mula sa nasabing  lalawigan.

Speak Your Mind

*