Mango Growers sa Pangasinan, nagsasanay ng tamang pag-aalaga ng mangga

Pormal ng sinimulan ngayong araw ang apat na araw na pagsasanay ng mahigit sa tatlumpong mga Mango Growers sa lalawigan ng Pangasinan at rehiyong uno kaugnay sa Good Agricultural Practices and Mango Production.

Ito ay isang training program na isinusulong ng Department of Agriculture o DA sa ilalim ng pamamahala ng Agricultural Training Institute o ATI.

Layunin ng nasabing pagsasanay na isinasagawa mula Hulyo 22 hanggang Hulyo 25 sa ATI Training Center sa bayan ng Sta. Barbara na maturuan ang mga magsasaka ng tungkol sa wasto at angkop na pag-aalaga ng mangga.

Sinabi naman ni Mariel Dacapia, ATI Coordinator na ang matutunan ng mga magsasaka na dumalo sa training ay sila namang magtuturo sa iba pang magsasaka sa kani-kanilang lugar.

Speak Your Mind

*