Mataas na trust rating ni Vice President Jejomar Binay, dedma lang sa Malakanyang

Wala namang pakialam ang Malakanyang sa mataas na trust rating ni Vice President Jejomar Binay sa pinakahuling SWS Survey.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na madalas namang nangyayari na mas mataas talaga ang trust ratings ng isang Bise Presidente kung ikukumpara sa Presidente.

Iginiit ni Lacierda na sa ngayon ay hindi pa nila prayoridad ang nalalapit na 2016 Presidential Elections dahil marami pang dapat na asikasuhin ang pamahalaan!

Base sa pinakahuling survey na inilabas ng SWS ay tumaas ang trust ratings ni Vice President Jejomar Binay kung saan makikita na mula sa +62 noong december ay umangat ito sa +73 nitong buwan ng Marso.

Speak Your Mind

*