Mayor Resuello, tuloy-tuloy ang paghahanda sa banta ng kalamidad na posibleng tumama sa lungsod

Tuloy-tuloy ang ginagawang paghahanda ng pamahalaang panglungsod ng San Carlos upang makaiwas sa epekto ng kalamidad na maaring tumama sa lalawigan.

Sa panayam ng sonshineradio kay Mayor Julier “Ayoy’ Resuello, sinabi nito na tinitiyak niyang laging naka-prepara ang City Risk Reduction Management Council o CDRRMC para sa agarang pagresponde kung may kalamidad na nakataas sa kanilang lugar.

Bukod dito, nagpapatuloy umano ang mga isinasagawang dredging operation sa kanilang mga rivers, crecks at mga cannal dahil isa ito sa dahilan ng pagtaas ng tubig kung nagkakaroon ng malakas na pag-uulan.

Partikular aniyang tinututkan ng CDRRMC ang Western Part ng San Carlos dahil ito ay prone sa baha lalo na kung magpapakawala ng tubig ang San Roque Dam.

Speak Your Mind

*