Mga lugar na nasa flood prone area sa Pangasinan, prayoridad tulungan ngayong selebrasyon ng Nutrition Month

Prayoridad ng Provincial Nutrition Office ngayong selebrasyon ng Nutrition Month ang mga lugar na nasa flood prone area sa lalawigan ng Pangasinan  kung saan angkla ito sa temang: “Kalamidad ay paghandaan, gutom at malnutirsyon, agapan”.

Ayon kay Provincial Nutritionist Milagros Gutierrez, nagpapatuloy ang adbokasiya ng probinsya na Nutrition Management during Emergency and Disaster, at ang Suplemental Feeding Program.

Nabatid na bumababa na ang malnutrition rate sa lalawigan umabot na sa 3.93 percent, kung saan ang mga bayan ng Bugallon, Labrador, Aguilar, Mangatarem at Bautista ang nangunguna sa listahan ng may mataas na bilang ng malnutrisyon na mga bata noong nakaraang taon.

Sinabi pa ni Gutierrez, na mapagpapatuloy ang kanilang Nutrition Management at Supplemental Feeding sa bayan ng Sta. Barbara, San Fabian at iba pang bayan sa lalawigan.

Speak Your Mind

*