Nasirang Tsunami Early Warning Device sa Lingayen, naayos na

Nakahinga na nang maluwag ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) sa bayan ng Lingayen, Pangasinan matapos maayos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang kanilang Tsunami Early Warning Device.

Matatandaan na pinutol ang kable ng Tsunami Early Warning Device ng Lingayen noong nakaraang buwan ng Marso bunsod ng aksidenteng tumunog matapos mapindot ng DOST Central Office ang warning code ng Lingayen.

Ayon kay Asst. MDRRMC Officer Engr. Ted Sison, na mahalaga ang pagkakaroon ng tsunami early warning device sa tulad ng bayan ng Lingayen na nasa coastal area dahil hindi nila inaalis ang posibilidad na pagtama ng tsunami.

Ikinagalak din ni Sison na ibinigay narin sa kanila ng PHILVOLCS ang code ng Tsunami Early Warning device, kaya’t kontrolado na nila ang paggamit dito.

Speak Your Mind

*