Pangasinan, pinaka maraming naitalang kaso ng underweigth na sanggol sa rehiyon

Nangunguna ang bayan ng Bugallon, Pangasinan sa may pinaka mataas na porsyento ng kabataan mula zero hanggang 23 months old na malnourished.

Ayon sa monitoring ng National Nutrition Council Region 1 Office sa taong 2013, lumalabas na 8.54 percent o katumbas ng 892 na sanggol mula sa 10,441 na tinimbang sa isinagawang 2013 operation timbang.

Kaugnay nito, pumangalawa naman ang bayan ng Aguilar na may 8.34 percent, pangatlo ang Labrador na may 6.74%, Mangatarem na may 6.44%, panglima ang Bautista na may 6.39%, sumunod sa pang anim ang first class town ng Sual na may 5.82% Bayambang na may 5.67%, Lingayen 5.42% Mangaldan na may 4.81 % at Tayug na may 4.77 %.

Pasok din sa may pinakamaraming naitalang underweight at severely underweight na sanggol ang siyudad ng San Carlos City, sinundan ng Batac City sa Ilocos Norte, pangatlo ang Dagupan City, pang apat ang Candon, panglima ang Urdaneta City at pang anim ang Alaminos City.

Ayon naman kay Ethel Reina Balisnomo, Nutrition Officer 2 ng Regional Office 1, pinag aaralan na ngayon ng council kung ano ang naging contributing factor dito.

Speak Your Mind

*