Nutrisyon sa panahon ng kalamidad, bibigyang importansya sa selebrasyon ng Nutrition Month

Kalamidad  paghandaan gutom at malnutrisyon agapan, ito ang tema kung saan umiikot ang selebrasyon ng Nutrition Month ngayong buwan ng Hulyo.

Ayon kay Ethel Reina Balisnomo, ang Nutrition Officer 2 ng Region 1, kalimitan sa mga panahon ng kalamidad ay nahuhuli ang aspeto ng kalusugan at nutrisyon sa mga evacuation center at ito ang kanilang bibigyan pansin sa kaganapan ng Nutrition Month.

Dadag pa ni Balisnomo, na tuturuan ang mga nanay lalo na ang mga benipisiyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s na maging handa sa bago o sa katapusan ng kalamidad hindi lang sa physical, mental  kundi pati sa nutrisyon ng buong pamilya.

Pangungunhan ng bagong Nutrition Program Coordinator na si Maria Eileen Blanco , ang gaganapin na launching ng Nutrition Month sa Parian Bauang La Union sa darating na Hulyo 8 kasama ang mga 4P’s beneficiaries ng naturang lugar na tinatamaan ng kalamidad.

Speak Your Mind

*