Offsite Registration and Validation ng Comelec Dagupan, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang isinasagawang Offsite Registration and valIdation ang Commission on Elections o Cemelec Dagupan bilang paghahanda sa 2016 election.

Hindi nagpapigil ang Comelec na pagsasagawa ng Offsite registration sa barangay hall ng Brgy. Pantal kahit na naranasan ang hightide na hanggang tuhod.

Ayon kay Comelec Officer Atty. Ericson Oganiza, hindi sila nakokontento sa nakukuhang registration na nagtutungo sa kanilang tanggapan kayat patuloy ang kanilang isinasagawang Offsite registration and validation sa mga barangay.

Kayat bukod aniya sa mga barangay, magsasagawa na rin ang Comelec ang offsite registration and validation sa mga simbahan tuwing linggo upang higit na mahikayat ang lahat na magparehistro at makaboto.

Speak Your Mind

*