Oil Companies, nagbaba ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo

Muling bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo sa araw na ito.

Epektibo kaninang alas-12:01 ng madaling araw, bumaba ng 95-sentimos kada litro ang presyo ng diesel, gasolina at kerosene ng Shell, Petron, Chevron at Seaoil.

Sumunod ding nagpatupad ng rollback sa parehong halaga ang ptt philippines para sa kanilang gasolina at diesel.

Mamayang alas-sais ng umaga naman ay magbababa ang Total at Phoenix Petroleum ng 95-sentimos kada litro rin sa presyo ng kanilang diesel at gasolina.

Speak Your Mind

*