Pag-deklarang ‘Unconstitutional’ sa DAP, magpapa-bagsak raw sa ekonomiya ng bansa

Magiging banta umano sa lumalagong ekonomiya ng bansa ang pagbagal ng paggastos ng pamahalaan.

Ito ang babalang binitiwan ni Budget Secretary Florencio “Butch” Abad sa pagharap niya sa pagdinig ng senado sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Paulit-ulit na iginiit ni Abad na ginawa ang DAP base na rin sa prinsipyo ng “Use it o Lose it” para mapabilis ang pagbibigay-serbisyo sa publiko.

Sa katunayan aniya ay malaki ang naitulong ng DAP sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa – bagay na kapag tuluyan nang ipinagbawal – ay tiyak na magpapabagal sa usad ng ekonomiya!

Matatandaan na sa ginawang pag-aaral noong 2013 ng National Economic and Development Authority (NEDA) ay lumago sa 7.2 percent ang ekonomiya ng bansa.

Dahil dito ay nalampasan ng Pilipinas ang mga bansang Indonesia, Singapore, Malaysia, Thailand at Vietnam sa usapin ng paglago ng ekonimya.

Speak Your Mind

*