Paglalagay ng plate cover sa plaka ng sasakyan, ipinagbabawal na ng LTO

Mahigpit na ring ipagbabawal ng Land Transportation Office (LTO) ang paglalagay ng plate cover sa mga bagong isyung plaka ng sasakyan.

Ito ang kinumpirma ni Kathleen Ocampo ang Chief Operation Division ng LTO Region 1 kung saan ang plaka ay nagsisilbing main identifier ng sasakyan kayat hindi umano ito dapat takpan.

Kung tatakpan aniya ito ng anumang plastic cover ay mababawasan ang pagiging reflective ng plaka, at hindi na ito madaling makikita.

Sa ilalim ng Joint Administrative Order (JAO) No. 2014-01 Section II-E ng Department of Transportation and Communications (DOTC), nakasaad na iligal ang paglalagay ng anumang palamuti o accessories sa plaka.

Sakaling mahuling nilabag ang kautusan, haharap sa P5,000 ang lumabag at kukumpiskahin din ang plate covers.

Speak Your Mind

*