Pagmamahagi ng OL trap sa mga bayan sa Pangasinan na may mataas na kaso ng dengue, ikinakasa na ng DOST

Ikinakasa na ng Department of Science and Technology o DOST ang pagmamahagi ng Ovicidal/Larvicidal o OL trap sa mga bayan sa lalawigan ng Pangasinan na may mataas na kaso ng dengue.

Batay sa tala ng Provincial Health Office (PHO), sampung bayan na sa lalawigan ang binabantayan dahil sa mataas na kaso ng dengue, kung saan nangunguna rito ang Dagupan City na may 59 kaso, bayan ng Asingan na may 51 kaso, Alaminos City na may 26 kaso, Urdaneta City na may 24 kaso, Mangaldan na may 24 na kaso, Bolinao ng may 18 kaso, San Manuel na may 18 kaso, Bayambang na may 16 a kaso, Bani na may 25 na kaso, at bayan ng Sison na may 15 kaso ng suspected dengue cases.

Ayon kay OIC Provincial Director Felecidad Gan, malaki ang maitutulong mg OL trap upang mapuksa ang mga itlog ng lamok na nagdadala ang dengue virus.

Ganunpman, patuloy na nagbabala ang mga ekperto na mas mabisa parin ang paglilinis sa kapaligiran upang maiwasan ang pagdami ng mga lamok at mga kiti-kiting may dalang dengue.

Speak Your Mind

*