Pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, iimbestigahan ng Senado

Bubusisiin ng Senado ang biglang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Ayon kay Senador Bam Aquino, magkakaroon lamang ng mabisang solusyon sa problema kung makikita ang ugat nito.

Lubha aniyang naapektuhan ang kakayahang bumili ng publiko, lalo na ang mahihirap, dahil sa hindi maipaliwanag na pagtaas ng presyo ng bawang, bigas, gatas at iba pang pangunahing bilihin.

Hindi naman inaalis ni Aquino ang posibilidad na nagkakaroon ng sabwatan sa pagitan ng market player na nauwi sa artipisyal na kakulangan ng supply at pagsirit ng presyo.

Binigyang-diin ni Aquino na ang sinumang mapatutunayang nagmanipula sa presyo at supply ay dapat papanagutin sa batas

Speak Your Mind

*