Pamahalaan, muling aangkat ng limangdaan libong metriko toneladang bigas

Aangkat ng dagdag na limang daang libong metriko toneladang bigas ang pamahalaan!

Ito, ang inihayag ni Presidential Assistant for Food Security and aGricultural Modernization Secretary Francis “Kiko” Pangilinan.

Ayon kay Pangilinan, mag-aangkat ng bigas ang pamahalaan para mapanatiling stable ang presyo ng National Food Authority o NFA Rice sa mga merkado.

Sa kasalukuyan ay nasa dalawampu’t pitong piso hanggang tatlumpu’t dalawang piso ang presyo ng NFA Rice sa mga pamilihan.

Sinabi pa ni Pangilinan na hindi umano aangkatin ang bigas mula sa Vietnam kung saan dating nag-angkat ang dating pamunuan ng NFA.

Speak Your Mind

*