Pastor Quiboloy, naniniwalang malaki ang naiambag ni Pnoy sa mga Pilipino

Maraming nagawa si Pangulong Noynoy Aquino para sa mga Pilipino.

Ito ang inahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang CEO at president ng Sonshine Media Network International, kasunod ng pagdaraos ng ika-limang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Aquino kahapon.

Para kay Pastor Apollo, walang ibang pinagtutuunan si Pangulong Aquino kundi ang mapaunlad ang buhay ng bawat Pilipino.

Ipinaliwanag ni Pastor Apollo na nakikita niya ang katapatan sa puso ni Pangulong Aquino, na gusto lang niyang i-angat ang estado ng pamumuhay ng maralitang Pilipino.

Yun lang at dumating ang puntong nauwi siya sa paggamit ng kontrobersyal ng Disbursement Acceleration Program o DAP na matatandaang idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema.

Samantala, hinihikayat ni Pastor Apollo ang mga Pilipino, sa gitna ng magkakaibang reaksyon sa SONA, na ituon ang pansin sa mga bagay na magiging kapaki-pakinabang sa nakararami.

Hinimok niya ang mga Pilipino na tutukan ang mga bagay na makatutulong at hindi yung sa iilan lamang.

Ayon pa kay Pastor Apollo, sa halip na batikusin ang Pangulong Aquino dahil sa ilang kapalpakan ng kanyang pamamahala ay mas makabubuti kung susuportahan na lamang natin ang mahigit isang taon na lamang niyang panunungkulan sa bayan.

Speak Your Mind

*