Pastor Quiboloy, pabor na gawing constitutional ang DAP

Binigyang-diin ni Pastor Apollo C. Quiboloy na kung totoong malaki nga ang naitulong ng Disbursement Acceleration Program o DAP para mapaarangkada ang ekonomiya ng Pilipinas ay maiging maisabatas na kaagad ito para mawala ang pagdududa ng publiko.

Naniniwala siyang tapat sa kanyang paglilingkod si Pangulong Aquino pero nababahiran ito ngayon ng pagdududa matapos na ideklarang labag sa batas ng Korte Suprema ang DAP na ipinatutupad ng administrasyong Aquino.

Ipinunto rin ni Pastor Apollo na matagal nang balot sa katiwalian ang ating pamahalaan kaya’t malaking hamon ang ginagawang paglaban ni PNoy sa talamak na kurapsyon.

Speak Your Mind

*