PHO, Kinumpirma ang mataas na kaso ng hypertension sa Pangasinan

Kinumpirma ng Provincial Health Office o PHO Pangasinan na mataas ang kanilang naitatala sa kaso ng hypertension na may kaugnayan sa sakit sa puso.

Ito ayon kay Dr. Cielo Almoite, ang Provincial Health Assistant Officer ay mula sa kanilang nakukuhang data mula sa mga Municipal Health Center at mga District Community Hospital sa Pangasinan.

Payo nalang ni Dr. Almoite sa mga residente na upang hindi madaling dapuan ng sakit ay panatilihing malakas ang resistensya sa pamamagitan ng tamang pagkain at ehersisyo.

Importante din umano na magkaroon ng kalinisan sa katawan o ang pagkakaroon ng personal hygeine at healthy life style, at ang kalinisan sa komunidad.

Speak Your Mind

*