PHO, Pinag-iingat ang publiko sa sakit na alipunga na nakukuha sa pagkababad ng paa sa tubig baha

Pinag-iingat ng Provincial Health Office o PHO Pangasinan ang publiko sa sakit na alipunga na nakukuha sa pagkababad ng paa sa tubig baha.

Ayon kay Dr. Cielo Almoite, ang Provincial Health Assistant Officer, ang alipunga ay isang fungi infection ay madaling kumakalat sa basang paa na nagdudulot ng pagkasugat sa pagitan ng mga daliri at pagbaho ng paa.

Sinabi ni Dr. Almoite, na madaling iwasan ang pagkakaroon ng alipunga sa paa sa pamamagitan ng pag-iingat sa paglusong sa tubig baha gamit ang bota o anumang panangga sa tubig.

Kung sakali naman aniya na nagkaroon na ng sugat ang paa dahil sa matagal na pagkababad sa tubig, ugaliing hugasan ang paa ng malinis na tubig at sabon at panatilihing tuyo ang mga paa.

Speak Your Mind

*