PNP, umangal na sa laki ng gastos sa mga high profile detainees na sangkot sa Pork Barrel Scam

Nasasaid na ang pondo ng Philippine National Police (PNP) at apektado na rin ang kanilang trabaho sa pagbibigay seguridad sa mga high profile detainees na sangkot sa Pork Barrel Scam.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, malaki ang ginagastos ng PNP lalo na sa pagbibigay ng seguridad sa mga sangkot sa Pork Barrel Scam lalo na kay Janet Lim-Napoles.

Sa tuwing ilalabas aniya ng kaniyang kulungan si Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna ay gumagastos ang PNP ng mula 120,000 hanggang 150,000-piso.

Mula ng maikulong si Napoles sa Fort Sto. Domingo dahil sa kasong serious illegal detention ay mahigit sampung beses na itong inilabas ng Fort Sto. Domingo bago pa man ito sinampahan ng kasong plunder.

Ayon kay Sindac, bukod sa nauubusan na sila ng pondo ay naapektuhan na rin ang kanilang mga operasyon dahil ginagamit ang mga pulis para maging escort ng mga high profile detainees.

Speak Your Mind

*