Presyo ng mga gulay sa Bagsakan Market sa lungsod ng Urdaneta, nananatiling mataas

Dahil sa patuloy na nararanasang pag-uulan sa lalawigan ng Pangasinan, nananatiling mataas ang presyo ng gulay sa Bagsakan Market sa lungsod ng Urdaneta.

Isa rin umano sa dahilan ng mataas na presyo ng mga produktong gulay ay ang kakapusan ng suplay nito at patuloy na pag-angkat ng ibang produkto sa ibang lalawigan lalo na ang high value crops.

Sa ngayon, pumapalo na sa P30 kada kilo ang talong, P25 ang kada kilo ng sili, P35 kada kilo ng sitaw, P18 kada kilo ng patola, P15 kada kilo ang okra, P35 kada kilo ng ampalaya at P20 ang kada kilo ng kamatis.

Reklamo din ng mga tindera na dahil sa madalas na pag-ulan kakaunti rin ang mga namimili na nagiging dahilan ng pagkasira ng kanilang mga produkto.

Nakikita namang solusyon upang mapataas ang produksyon ng mga magsasaka ang pagkakaroon farm to market road at kaalaman sa mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

Speak Your Mind

*