Romantic relationship sa pagitan nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao, naunsyami

Tuluyan na ngang naunsyami ang dapat sana ay pagkakaroon ng romantic relationship sa pagitan nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao.

Ito ay matapos kinumpirma ng actor/singer na naging magkaibigan na lang sila ng kapamilya actress.

Hindi na nagpasakalye si Piolo, nang sabihin niyang wala siyang lovelife at tumakbo lang sa pagiging friends ang nababalitang panliligaw niya kay Shaina.

Paliwanag ni Piolo, hindi na niya itinuloy ang interest na panliligaw kay Shaina dahil magiging unfair lang ito sa young actress kung hindi rin lang niya maibibigay ang kanyang 100 percent na oras at pagmamahal.

Sagad na daw sa mga showbiz commitments ang buong panahon niya kaya wala siyang panahon para sa kanyang personal life.

Speak Your Mind

*