Scholarship program ng OWWA Region 1 para sa mga anak at kapatid ng mga OFW, bukas na

Nag-aalok ngayon ng Scholarship ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Region 1 sa mga anak at kapatid ng mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Ayon kay OWWA Region 1 Director II Ma. Luisa Reyes, ang programang ito ay sa ilalim ng Education for Development Scholarship Program o EDSP at the Congressional Migrant Workers Scholarship Program o CMWSP.

Ani Reyes, bukas sa lahat ng mga anak at kapatid ng OFW’s ang scholarship program, kung saan kailangan lamang nilang kumuha ng qualifying examination, at dapat may good moral at school record standing.

Ang mapalad namang makakapasa sa scholarship program ay maaaring kumuha ng 4-5 year bachelor course sa anumang koliheyo o unibersidad na accredited ng CHED at makakatanggap ng benipisyong P60,000 sa kada School Year.

Samantala, ang deadline para sa submission ng application para sa pagkuha ng exam ay sa katapusan ngayong buwan ng Hulyo. (DZRD Newscenter)

Speak Your Mind

*