Sen. Enrile at Gigi Reyes, nakatakda ng basahan ng sakdal

Babasahan na ng sakdal sa Biyernes sina Senador Juan Ponce Enrile, dati niyang Chief-of-Staff na si Atty. Jessica “Gigi” Reyes at ang itinuturong utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles para sa kasong plunder at graft.

Haharap sa Third Division ng Sandiganbayan sina Enrile, Reyes at Napoles na babasahan ng sakdal ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang.

Matapos basahan ng sakdal, magbibigay ang Sandiganbayan ng petsa kung kailan ang Pre-trial at Preliminary Conference bago ang mismong pagdinig sa kaso.

Samantala, nakabinbin pa rin sa korte ang petisyon nina Enrile at Napoles para makapag-piyansa.

Matatandaang sumuko noong Biyernes sina Enrile at Reyes matapos maglabas ang korte ng arrest warrant laban sa kanila.

Speak Your Mind

*