Senior Citizen sa Dagupan, umaapela ng social pension sa City Government

Umaapela ng karagdagang social pension ang Federation of Senior Citizen Association sa Dagupan City Government dahil sa umano’y kulang ang bilang ng mga senior citizen na nakakatanggap mula sa national government.

Nabatid na umaabot sa mahigit labindalawang libo ang senior citizen sa Dagupan ngunit isandaan lamang sa mga ito ang nakakatanggap ng social pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1, at malimit na naaantala pa ang pagdating nito.

Dahil dito, hinihiling ni Luz Cemeniano – President ng Samahan ng Senior Citizen sa lungsod na mabigyan ang dalawang senior citizen sa kada barangay ng nagkakahalang P500 bawat buwan.

Bukod dito, nais din ng grupo na isulong Literacy Program dahil marami umano sa mga matatanda sa lungsod ang hindi nagkaroon ng sapat na edukasyon.

Speak Your Mind

*