Tourist arrival sa Hundred Island sa Alaminos City, hindi apektado ng maulang panahon

Sa kabila ng pagpasok ng panahon ng tag-ulan, tumaas pa ang bilang ng mga turistang nagtutungo sa Hundred Island National Park sa lungsod ng Alaminos.

Ayon kay Solomon Tablan, Officer-in-Charge ng City Tourism Office, hindi naging hadlang ang lagay ng panahon o madalas na pag-ulan upang hindi puntahan ng mga turista ang maituturing na top tourist destination sa lalawigan.

Sinabi pa ni Tablan, na nakakahikayat din sa mga turista ang mga bagong tayong dagdag attraction sa isla tulad ng zipline, wall climbing at rappelling at iba pang sports activity.

Nabatid na pumalo na sa 176,179 ang tourist arrival sa Hundred Island mula Enero hanggang Hunyo, kalahatian palang ng taon kumpara sa 168,607 na tourist arrival sa taong 2013 katumbas naman ito sa mahigit sampung milyong piso na kita ng lungsod

Speak Your Mind

*