Alaminos City Mayor Celeste, mananatili ang pagkilala kay Governor Espino

Mananatili at kikilalaning Gobernador ng lalawigan ng Pangasinan si Governor Amado T. Espino Jr ni Alaminos City Mayor Arthur Celeste hanggang sa pagtatapos ng termino nito sa 2016.

Ito ang mariing inihayag ni Mayor Celeste dahil labas umano ang usaping pulitika sa kanyang pagtatrabaho sa bayan.

Dagdag pa ni Celeste na hindi niya haharangin ang anumang proyekto ng probinsya para sa Alaminos at hindi rin siya mangingiming humingi ng tulong sa Provincial Government para sa kanyang mga kababayan.

Nilinaw naman ni Celeste na ang naging hakbang ng mga leader sa unang distrito ng Pangasinan ay naaayon lamang sa Nationalist Peoples Coalition o NPC ang partidong kanilang kinabibilangan.

Speak Your Mind

*