Buntis Congress ng Provincial Government, nabiyayaan ang daan-daang ina

Mahigit limang-daang buntis mula sa bayan ng Binmaley, Pangasinan ang dumalo sa Buntis Congress 2014 na ginaganap ngayong araw sa Pangasinan Training and Development Center sa bayan ng Lingayen.

Ilang libreng serbisyo para sa mga buntis ang inihanda ng Provincial Government sa pamamagitan ng Provincial Health Office katuwang ang Philippines Obstetrical ang Gynecological Society.

Ang mga libreng serbisyo ay kinabibilangan ng pre-natal check-up, dental check-up, laboratory at bibigyan rin sila ng bigas, de lata, noodles at isang piggy bank.

Sumailalim din ang mga buntis sa maternal health care lectures gaya ng birth planning, breast feeding, responsible parenthood.

Ang Buntis Congress ay isang programa ng Provincial Government na naglalayong masiguro ang kalusugan ng ina at ng sanggol.

Speak Your Mind

*