Carla Abellana, itinangging gimik ang panliligaw ni Tom Rodriguez

Itinanggi ni Carla Abellana na gimmick lang ang panliligaw sa kanya ng co-star niya sa isang teleserye na si Tom Rodriguez.

Ayon kay Carla, maganda ang pagtanggap ng publiko sa kanilang primetime series ni tom na “My Destiny” kaya’t walang dahilan para gumawa pa ng gimmick.

Sinabi ni Carla na hindi niya halos napansin na nanliligaw na pala si Tom dahil sa wala naman aniyang nagbago sa kung ano sila sa loob at labas ng trabaho.

Kabilang aniya sa paraan ng panunuyo ni Tom sa aktres ay ang pagbibigay ng bulaklak, tula at mga kanta.

Ilan naman sa nagustuhan ni Carla na katangian ng kanyang manliligaw ngayon ay ang pagmamahal at pagpapahalaga ni tom sa kanyang pamilya.

Speak Your Mind

*