Ekonomiya ng bansa, lumago sa ikalawang bahagi ng taon

Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa ikalawang bahagi ng taon.

Base sa National Statistical Coordination Board (NSCB), 6.4 percent ang inilago ng Gross Domestic Product o GDP ng bansa sa ikalawang kwarter.

Bagama’t mas mababa ito sa 7.9 percent GDP na naitala sa ikalawang kwarter noong 2013 pero mas mataas ito kumpara sa 5.6% na GDP sa unang kwarter ng taon.

Ayon sa NSCB, malaking ang naitulong ng industry at services sector sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Sa agrikultura, sumigla naman sa 3.6 percent mula sa 0.2 percent na naitala noong taong 2013.

Gayunpaman, positibo ang National Economic and Development Authority (NEDA) na masasapul ang full year growth target na 6.5 – 7.5%.

Speak Your Mind

*