Farm Learning Site, inaasahang magdadala ng atraksyon pang-agrikultura sa Pangasinan

Panibagong atraksyon pang-agrikultura ang inaasahang tatangkilikin sa lalawigan ng Pangasinan.

Inilunsad ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute o DA-ATI sa bayan ng Sta. Barbara ang Farm Learning Site kung saan malago ang mga tanim na prutas at gulay.

Sa pamamagitan ng naturang Farm Learning Site ay matuturuan ng hands-on ang mga magsasaka na maaari rin nilang ituro sa kanilang kapwa magsasaka.

Ayon kay DA Ilocos Region ATI Center Director Rogelio Evangelista, ang Farm Learning Site ay maari ring gamitin sa pagsasagawa ng aktibidad gaya ng seminars, trainings at briefings.

Gayundin, ang lugar ay may luwang na 1.5 ektarya kaya’t inaasahan na may potensyal itong maging Farm Tourism Site kapag na-develop.

Speak Your Mind

*